My grandma or “Nanay” as I call her, asked me if I can put her new poem in my blog. She asked this because when her last visit here, I told her about blogging. I told her that blogging is one of the most wonderful thing in this world (right?), that this can be a source of income, and a source of good friends. When she heard this thing from me, she asked if she can make one. I said yes but she’s too old and she can’t use a computer–you know, there’s no computer when she’s a teen. I just told her that I would write a post dedicated to her here in my blog. And now, she gave me sheets of paper containing handwritten Filipino poem. This poem uses Filipino language so, English speakers, try to use Google Translate to translate this great poem.
Let’s begin…
“Pangarap Kong Pinangarap”
by: Procesa Añoza byuda de Servigon
Sa kalaliman ng gabi, ako’y di maidlip
Bumangon ako, at sumandaling nag-isp
Ala-ala ng lumipas, muling nagbabalik
Nang ako ay bata pa at isa pang paslit.
Kinagisnan kong buhay,
Hirap na talaga.
Mga magulang ko’y, hikahos na pamilya.
Buhay na sagana ay ‘di nila kaya.
Edukasyon pa kaya maibigay nila?
Sa mura kong gulang at pag-iisip
Ay lagi na lang nagugumiit.
Na ang aking bunga, kailangan ay hitik
Hitik sa edukasyon, at wastong pag-iisip.
Ako’y natutuwa sa Poong lumikha.
Malulusog na anak ang Kanyang biyaya.
Anak na pinagpala at minahal ng tapat,
Na siyang magiging gabay sa aming pagtanda.
Lumaki silang may mabuting asal,
Takot sa Diyos, ang aking pinairal.
Ugali’y hinubog, sa magandang paraan,
Galit sa kapwa’y dapat iwasan.
Anak na lumaki’y dapat ng mag-aral,
Sa puntong ito, ako’y nahirapan.
Saan kukunin, perang pampa-aral.
Gulo ang isip, hirap ang kalooban.
Kung saan hahagilap, halagang kailangan.
Edukasyong minimithi at ibig makamtan,
Sa aking mga anak, na labis kong mahal.
Ako’y nagsumikap na maghanapbuhay
Tila ako’y walang kapaguran.
Ang gabi’y ginawa kong araw,
Upang may ipang-tustos sa kanilang kailangan.
Kami’y dumanas ng maraming hirap
Upang itaguyod binuo naming pangarap.
Pagkai’y kapos sa aming hapag
Makamtan lang edukasyong hangad.
Maraming hirap, aking tiniis
Lahat ng bagay aking tinipid.
Mahabang tulog, aking inalis,
Dag-dag na trabaho aking isiningit.
Pangarap na pinangarap,
Unti-unting nakikita.
Mga mahal kong anak,
Matatapos na pala.
Puso ko’y umaapaw sa ligaya’t saya.
Pangarap kong minithi’y nakamit ko na.
Pasalamat sa Itaas aking inuna,
Panginoon, totoo ka pala.
Luha ng kaligayahan sa lupa’y pumatak,
Nawala nang lahat, hirap kong dinanas.
Problema sa dibdib, naibsang lahat,
Ngiti sa aking labi’y muling bumukadkad.
Salamat, salamat sa Poong Maykapal,
Na ‘di nagsawa na ako’y subaybayan.
Sa pagtataguyod sa kanilang pag-aaral,
Na siyang sandata sa kinabukasan.
Mga anak kong minahal, ako’y inyong pakinggan,
Pamana ko sa inyo ay pakaingatan.
‘Di ito salapi, o materyal na bagay,
Ito’y edukasyon at ‘di mananakaw.
Kung ako’y wala na, inyong isa-isip,
Puhunan ko rito, ay hirap at sakit.
Pakamahalin at huwag iwawaglit,
Diplomang pamana, pinaghirapang makamit.
Saan mang lupalop, ako’y mahihimlay,
Pagsilang sa mundo’y ‘di pinagsisihan.
Pinagkaloob ko na kanilang kailangan,
Sandatang panalag sa kahirapan.
P.S. Muli kong iiwan ang aking binuong pangarap, at ipapama ko ito sa inyong lahat. Ito’y gawing gabay para sa inyong mga anak ng matupad muli ang “Pangarap kong Pinangarap”
Arnel Servigon
Edwin Servigon
Noel Servigon
Abigael Servigon
Mga Apo:
Kelvin Servigon
Reniel Servigon
Keith Anne Servigon
Kayla Mae Servigon
Yvan Servigon
Marielle Servigon
Whoa, I never knew this poem is so great! Its so inspiring! Grandma is so nice to do this for us. She dedicates her poem to us (indicated at the end of the poem).
This is my gift to you ‘Nay. I love you very very much!!!
8 Comments for My Grandma’s Request
Kevin Ray N. Chua | April 3, 2009 at 2:25 pm
Rene Reeve Rivera | April 10, 2009 at 1:46 pm
I think if your grandma is at your age she will be a great blogger. I admire the way she composed her poem.
Majority of the major parts and contents of a poem is present in her composition. Tell her that I salute her!
A Poem for Manny Pacquiao by My Grandma | Kelvinonian Ideas 2.0 - Filipino Teen Blogger, Photographer and a Graphic Designer | June 9, 2009 at 12:32 pm
[...] April 2009 my grandmother, Procesa Servigon gave me a copy of her poem and asked me if I could post it here at my blog. So, I posted it here to make her happy. I was glad [...]
Rene Reeve Rivera | October 20, 2009 at 7:03 am
I think if your grandma is at your age she will be a great blogger. I admire the way she composed her poem.
Majority of the major parts and contents of a poem is present in her composition. Tell her that I salute her!






Nice one! I guess you are also expert on poem writing… or was just pushed by “nanay”… but anyways, it’s good!
If she wants to blog, then let her do so. Who knows, she can be good at it. Don’t underestimate her potentials…
Reply